10 Bagay Na Dapat Mong Gawin Kapag Puyat Ka Sa Trabaho
Inabot ka ba ng madaling umaga sa paggawa ng presentation mo? O hindi ka tinantanan ng kapitbahay mo sa kaka-karaoke niya kagabi? Kung ano man ‘yan, basta hindi ka nakatulog nang husto, at ngayon iniisip mo kung paano ka makakaraos sa office ngayong araw na ‘to. Kung hindi mo talagang maiwasang magpuyat, may mga paraan pa rin upang matulungan kang maging alerto sa opisina, kahit sa araw lang na iyon mismo.
Parang sa giyera lang, para mabuhay ka, kailangan mo nang magandang stratehiya. Ito ang sampung paraan upang sumigla ang katawaan at utak mo sa araw na puyat ka. (Pero siyempre, ‘wag kang laging magpupuyat!)
TOPICS
1. Uminom, uminom, uminom (ng tubig)
Siguraduhing hindi ka kinukulang sa tubig para hindi pumikit ‘yang mga mata mo. Ibig sabihin nito ay, kung kakayanin, uminom ka ng hindi bababa sa 8 basong tubig sa isang araw. Kapag nauuhaw ka, o kinukulang ka ng tubig sa katawan, karagdagang pagod pa iyan at higit ka pang aantukin.
Pero: huwag na huwag kang iinom ng mga energy drinks tulad ng Cobra o Red Bull! Oo, bigla kang magigising niyan at mararamdaman mo ang tama ng enerhiya galing sa isang inom, pero kapag lumipas na ang pagka-“high” mo, mararamdaman mo din ang biglaang pagbasak ng enerhiya at mas mararamdaman mo ang pagod mo.
2. Kumain nang mabuti, at huwag kumain ng mga matatamis
Iniisip mo siguro na kapag binusog mo ang katawan mo sa asukal, buong araw ka talaga magigising. Pero hindi ‘yan totoo. Magaganahan ka nga saglit, pero kagaya ng mga energy drink, kapag nawala na ang epekto nito, mas magiging mabigat ang katawan mo, mas pagod, at mas lalo ka pang aantukin. Mas maigi na kumain ka ng mga masustansyang pagkain na nagbibigay ng nenerhiya, kagaya ng itlog, isda, mga madadahon na gulay, mga beans (hal.: sitaw, patani, monggo), at mga nuts (hal.: mani, macadamia, pistachio).
3. Uminom ng kape
Bago ka lumabas ng bahay, at pagdating mo sa opisina, inumin mo ang pang-araw-araw mong baso ng kape. Nakakatulong ang caffeine upang bigyan ka ng sipa ng sigla, at matutulungan rin ang memorya mo! Pero huwag mo rin laklakin ‘yung kape dahil baka sumakit ang ulo mo, at kapag uminom ka ng sobrang daming kape, makakaramdam ka ng caffeine crash. Tulad ng sugar crash, kapag nawala na ang epekto ng caffeine, biglang babagsak rin ang enerhiya mo.
Huwag ka rin uminom ng kape sa hapon kapag plano mong matulog nang maaga. Limang oras na nananatili sa katawan ang caffeine, at kung puno pa ng enerhiya ang katawan mo dahil sa caffeine bago ka matulog, hindi ka makakatulog nang mahimbing. Maraming puwedeng ipagpalit sa kape na puwede mong kainin o inumin para mabigyan ka ng energy boost pero walang nakakasamang epekto.
4. Lakasan ang aircon
Mas nakakapagod ang isang opisinang mainit, kaya makakatulong magpagising ang malamig na paligid.
Nakakatulong magpagising ang lamig dahil magtatrabaho ang katawan upang panatilihing tama ang temperatura natin. Gagawin niya ang lahat para itaas ang temperatura ng ating katawan para hindi masagabal ang mga galaw ng ating loob-looban.
6. Makinig sa musika
Ihanda ang Spotify playlist. Isuot ang earphones. Pindutin ang “play.”
Mas sisigla ang utak mo kapag nakikinig ka sa mga paborito mong kanta. Puwede kang makikanta, o makisayaw sa tiyempo ng kanta. Huwag kang mag-alala kung sintonado ka — maiintindihan ka naman siguro ng mga officemates mo. Sana.
7. Magpaaraw
Lokohin mo ang katawan mo na dapat magising siya sa pamamagitan nang pagpapaaraw. Hindi lang ‘yun: makakatulong sa pagdaloy ng dugo ang init ng araw, at mararamdaman mo ang kasiglaan sa buong araw. Maglakad ka sa labas, huminga, at lasapin ang init sa labas ng opisina bago ka bumalik sa lamig ng loob.
8. Magpahinga
Ang mga malalaking kumpanya gayan ng Google, Procter & Gamble, at Huffington Post ay pinapayagan ang kanilang mga empleyado magpahinga at matulog habang nasa opisina (mayroon pa ngang silang mga sleeping pods!). Alam nila na ang 15-20 minutong pagidlip ay higit na nakakatulong sa pagiging alerto.
Umidlip ka sa lunch break mo, o sa gitna ng 1 o 3 ng hapon. Makikita na buhay na buhay ang pakiramdam mo pagkagising mo
9. Gumalaw
Gumalaw ka lang. ‘Yan lang ang kailang mong gawin. Maglakad ka, mag-wall push-ups ka, o kahit mag-jumping jacks pa. Magugulat ka kung gaano karaming mini-workouts sa office ang puwede mong gawin. Ang importante ay padaluyin mo ang dugo mo, at bigyan mo ng oxygen ang iyong utak.
10. Matulog ng maaga
Naka-survive ka sa trabaho! Sobrang saya, ‘no? Ngayon, ang kailangan mong gawin ay bawiin mo ang kinulang mong tulog. Matulog nang maaga nang maging handa para sa sunod na araw.
Bonus: maligo sa maligamgam o mainit na tubig bago matulog. Ang pagtaas ng temperatura ng iyong katawan sabay biglang pagbaba pagkatapos mo maligo ay makaka-knock out sa iyo sa kama. Kung hindi man makatulong, masarap pa rin ang mainit na shower.
Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Poyen Ramos.
Belum ada komentar yang tersedia!