Item terkait berdasarkan kata kunci pencarian Anda akan dicantumkan di sini.

Beranda>For Jobseeker > 5 Payo Para Sa Mga Pilipinong Gustong Magtrabaho Abroad
For Jobseeker

5 Payo Para Sa Mga Pilipinong Gustong Magtrabaho Abroad

Karina

November 19 • 15 menit membaca

“Gusto kong magtrabaho sa ibang bansa. Paano ko ‘to magagawa?” Ito ang madalas na tanong sa akin ng mga kapuwa-Pilipino. Fresh grad man, mga matagal nang empleyado, o mga propesyonal, minsan ay naisip rin nilang lahat na maghanapbuhay sa ibang bansa. Kahit naiiba ang mga dahilan nila, ang pangunahing tumutulak sa kanila magtrabaho sa ibang bansa ay ang karaniwang paghahangad ng mas malaking suweldo, mas magandang oportunidad, o mas mataas na kalidad ng buhay.

Mabibigay ng trabaho sa ibang bansa ang lahat na iyan, ngunit kailangan mo munang pag-isipan ang mga ikabubuti o ikasasama ng ganitong seryosong desisyon. Bukod sa suweldo, may iba pang mga salik ang dapat isaalang-alang, at hindi palaging malinaw na nakasaad ang mga ito sa iyong job offer o sa mga guidebooks.

Bilang isang taong nakapagtayo ng isang digital marketing company malayo sa aking sariling bansa, may mga natutunan rin ako sa pagtrabaho sa ibang bansa. Narito ang ilan sa mga tanong na kailangan mong pagnilayan, pati na rin ang mga bagay na kailangan mong pag-isipan nang maigi bago ka bumili ng one-way tiket sa dream job mo sa ibang bansa.

1. Iklaro mo sa sarili mo mga dahilan ng pag-iibang-bansa.

Nakatanim sa pag-iisip ng maraming Pilipino na ang pagtrabaho sa ibang bansa ay isang napakagandang pagkakataon. Ngunit pinag-isipan mo ba kung bakit ito mahalaga para sa sarili mo? Siguro naiinis ka na sa traffic, nangangarap ka ng isang mas mabilis na biyahe papunta sa trabaho. Ngunit sa halip na isiping lumipat agad sa ibang bansa, baka naman puwedeng mapakiusapan ang boss mo tungkol sa posibilidad na magtrabaho mula sa bahay.

O baka gusto mong subukan ang buhay-freelancer, at malay mo, sa huli baka kumita ka ng sapat na pera upang maging sarili mong boss. Gusto mo ba ng mas malaking suweldo? Maghanap ka muna ng puwedeng ibang trabaho. Isipin mo rin ang mga pang-araw-araw mong gastusin. Maghanap ka muna ng mga trabaho sa bahagi ng Pilipinas, at baka makahanap ka pa ng trabahong akma sa iyo na hindi mo na kailangan pang mangibang bansa. Kailangan mo ba ng bagong karanasan? Subukan mong humingi ng isang mahabang leave. Mag-bakasyon ka at lumakbay sa labas ng bayan. Anuman ang dahilan mo sa pag-alis, gawin mo ito dahil siguradong ikabubuti mo ito: Marahil ang paglipat sa ibang bansa ay isang paraan upang mapalawak mo pa ang network mo. Sobrang ganda ng suweldo na makukuha mo at hindi mo ito matanggihan.

Maaaring isang pambihirang pakakataon ito upang makakuha ng skill o pagsasanay na hindi mo makukuha kahit saan lang. Isaisip mo rin ang mga mawawala sa iyo kapag nangibang-bansa ka, gaya ng pag-iwan sa iyong o pamilya, o ang pag-aangkop ng sarili mo sa nangingibang kultura. Bago ka man maghanap ng mga trabaho sa ibang bansa, ubusin mo na ang lahat ng mga pagpipilian mo. Isang malaking pagsubok at desisyon ang paglipat ng iyong pamumuhay sa dayuhang bansa, at kung alam mo ang sarili mong “bakit” sa pangingibang bansa, mas tatatag ang loob mo sa mga panahon na humihirap ang buhay sa bagong trabaho mo sa abroad.

2. Pag-aralan mo ang gagastusin mo.

Milyun-milyon nga ang kinikita mo abroad, pero baka kalahti noon ay ginagamit mo sa pang-araw-araw mong gastusin habang nandoon ka. Isama mo ang cost-of-living expenses, o ang mga gastusin sa pamumuhay, kapag kinakalkula mo ang iyong take-home na suweldo, at baka pati rin ang buwis ang kumain sa malaking bahagi ng iyong suweldo. Halimbawa lamang ang Australia, kung saan ang tax rate ay nag-uumpisa sa 32.5% at umaabot ng 47% pati sa mga non-residents ng bansa. Sa Singapore, ang mga nagmamay-ari ng kotse ay nagbabayad ng tariff gaya ng  31% import duty para sa halaga ng kotse, mga registration fee, road tax, at tumataas pa ang mga ito sa bawat taon pagkatapos ng 10 taon ng pagmamay-ari ng iyong kotse. Kung kaya mong gawin, bisitahin mo muna ang bansang minamatahan mo at pakiramdaman mo kung paano mamuhay doon.

Matatantiya mo na rin kung magkano ang pang-araw-araw mogn gastusin at makakatulong ito sa pagtantiya rin ng makukuha mong suweldo upang mapag-isipan mo nang maigi kung kaya mo bang mamuhay sa bansang iyon. Kung ang pang-araw-araw na gastusin ay pareho lamang o mas mababa sa ginagastos mo ngayon, pag-aralan mo pa kung paano ka pa makikinabang sa karanasang ito maliban sa mas mataas na suweldo. Halimbawa na lang ay mga pagkakataon sa mas bihasang training, o mga ekspertong puwedeng maging mga mentor mo, o mga iba pang mga oportunidad sa hinaharap.

3. Maaga pa lang, ayusin na ang mga papeles mo.

Isa sa mga mahahalagang bahagi ng pagtrabaho sa ibang bansa ay ang pag-aayos ng mga papeles. Tiyakin na handa na ang lahat ng mga pangkaraniwang dokumento sa paglalakbay — at siguraduhing updated ang mga ito: siguraduhing hindi pa mawawalan ng bisa ang pasaporte mo, ang iyong CV, at mga personal na dokumento gaya ng birth certificate, school transcript o records, mga medical records, NBI clearance, mga ID, diploma, at iba pa.

Masanay ka na sa mga hinihiling sa mga manlalakbay sa pamamagitan ng pagsali sa mga POEA free pre-employment orientations. Bago ka pa man mag-umpisa maghanap ng trabaho sa ibang bansa, direkta ka man inalok o sa pamamagitan ng mga ahensiya, ihanda mo na ang lahat ng mga papeles na ito para hindi ka nagmamadali kung kailan mo na siya kailangan. Sa paghahanap ng trabaho abroad, basahin mo ng maigi ang lahat ng dokumentong makukuha mo, hanggang sa pinakamaliit na mga artikulo ng kontrata. Magtanong ka, at subukan mong alamin ang lahat ng kaya mong malaman tungkol sa trabahong papasukin mo.

Sino magbabayad ng upa? Anong klaseng visa ang kailangan? Gaano ka katagal puwedeng manatili sa bansang pupuntahan mo bilang isang bumibisitang empleyado? Kapag mayroong kang mga kapamilya na umaasa sa iyo, maaari rin ba silang mabigyan ng mga working visa? Puwede mo bang makuha ang mga tax breaks o mga pribilehiyo galing sa gubyerno kahit dayuhan ka? Kapag nakuha mo na ang job offer, siguraduhin mo na nakalagay lahat ng mga pinagkasunduan niyo sa papel, at pirmahan at ipa-notaryo ang lahat ng mga ito.

Dapat malinaw sa iyo ang papasukin mong trabaho dahil luluwas ka ng bansa upang maghanapbuhay. Kailangan alam mo kung ano nga ba talaga ang dapat mong asahan sa pagluwas mo. Ayaw mo naman sigurong masayang ang panahon at oras mo sa pagpunta sa ibang bansa upang malaman lang na hindi kayo nagkaintindihan ng bagong amo mo, kung may amo ka nga sa pagdating mo doon. RELATED: MAY MAS MABILIS NA PARAAN PARA MAKUHA ANG NBI CLEARANCE MO

4. Maging bukas sa pakikipag-ugnayan sa mga kapuwa-Pinoy.

Nag-aalala ka ba na mami-miss mo ang Pilipinas pagdating mo sa ibang bansa? Magiging masaya talaga ang mga una mong linggo sa ibang bansa, pero mawawala rin ‘yan at maiisip mo rin ang buhay mo sa Pilipinas pagkalipas ng ilang buwan. Mapapagaan ang loob mo kapag nakakita ka ng mga mukha at boses ng kapuwa-Pilipino, kaya huwag mong pabayaan ang pagkikita sa mga kaibigan o kakilala.

Buti na lang, halos kahit saang dako ng mundo may mga Pilipino. Siguradong may kamag-anak ka, kaibigan, o simpleng kababayan kahit saan ka mapadpad, kaya hindi dapat ganoon kahirap makahanap ng komunidad ng Pilipino kung saan ka man. Puwede ka ring sumali sa mga clubs, mag-umpisa ng hobby, at maghanap ng paraan upang makihalubilo sa mga taong mahilig rin sa mga interes mo.

Mas madali na ‘yan ngayon dahil sa social media, mas lalo na may mga Pilipino kahit saan ka man pumunta. Ang mga websites tulad ng The Filipino Expat o Illustrado Magazine ay marami ring impormasyon upang mabigyan ka ng mga silip sa buhay-abroad at kung saan ka makakahanap ng mga taong makakasundo mo.

5. Panatilihin bukas ang iyong isip

Ihanda mo ang sarili mo para sa mga hindi inaasahan, at maging bukas sa lahat ng mga pag-aaral o karanasan na madadatnan mo. Dahil nasa ibang bansa ka, makakakuha ka ng bagong pananaw at pagkakaunawa na hindi mo makukuha sa ibang pagkakataon, kaya sulitin mo na ang panahon na ito. Pag-aralan mo ang kultura ng bansang pinuntahan mo para matutuo ka kung paano galangin ang kanilang mga tradisyon, Halimbawa: Ang United Arab Emirates, o UAE, ay isa pa ring konserbatibong bansa, kaya kailangan makibagay ka rin sa pananamit nila.

Sa Thailand, bawal magsalita ng masama tungkol sa kanilang hari, at ang parusa sa paglabag nito ay pagkabilanggo o kamatayan. Kinaugalian ng mga Hapon ang pag-iiwan ng sapatos sa bukana ng kanilang mga bahay. Mas madali kang masasanay sa bansang pinuntahan mo kapag masusi mong pag-aaaralan ang mga ugali, kultura, at tradisyon ng mga tao doon. Isang magandang pagkakataon ang pagtrabaho sa ibang bansa upang higit ka pang matuto tungkol sa trabaho mo, sa bago mong kapaligiran, at sa pati na rin sa buhay mo.

Siguradong marami kang matutunan sa pagluwas mo ng bansa. Isaisip mo ang mga tips na ito bago mo isipin ang pagtrabaho sa ibang bansa, at makakatulong ang mga tips na ito sa pagbigay sa iyo ng isang makabuluhang karanasan. Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Jimmy Cassells.

Ready na ba ang pasaporte mo? Resume? Mag-apply na sa Kalibrr!

Bagikan via:

Tentang Penulis

Hello, my name is Karina and I work as a freelance contributor at Kalibrr. I enjoy reading self-improvement books and working out. Lebih Lanjut Karina

Komentar (0) Kirim Komentar

Belum ada komentar yang tersedia!