Related items based on your search keywords will be listed here.

Home>For Jobseeker > Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?
For Jobseeker

Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?

Karina

December 09 • 5 min read

Sa pelikula ni Jade Castro na Endo noong 2007, isinalaysay niya ang buhay ng dalawang contractual workers na nakahanap ng pag-ibig sa trabaho nila sa Pilipinas. Ngunit bukod sa drama, makikita rin natin ang hirap na dinadanas ng mga contractual employees sa pelikulang ito. Kada-limang buwan, lilipat sila ng pinagtatrabahuhan, at sinusuwelduhan ng minimum wage sa mga trabaho tulad ng pagiging waiter o waitress o pagiging cashier. Sa pagkatapos ng pelikula, ang kanilang love story ay kasing-bilis lang ng kanilang mga trabaho.

Ano nga ba ang “endo?” Isa siyang Filipino slang para sa “end of contract.” Tawag naman ng iba sa ganitong pagtatrabaho ay “5-5-5.”

May mandato sa Pilipinas na pagkatapos ng anim na buwan ng pagtatrabaho sa isang kumpanya, ang contractual employee ay maaari na maging regular na empleyado. Ayon sa Article 281 ng Labor Code ng Pilipinas:

Probationary employment shall not exceed six (6) months from the date the employee started working, unless it is covered by an apprenticeship agreement stipulating a longer period. The services of an employee who has been engaged on a probationary basis may be terminated for a just cause or when he fails to qualify as a regular employee in accordance with reasonable standards made known by the employer to the employee at the time of his engagement. An employee who is allowed to work after a probationary period shall be considered a regular employee.

Kapag na-regularize na ang empleyado, ibig sabihin ay makakamtan na ng empleyado ang mga benepisyo na nararapat sa bawat nagtatrabahong Pilipino, gaya ng leaves at 13th month pay, at iba pa.

Maraming kumpanya ang sinusubukan iwasan ang pag-regularize ng mga probationary o contractual employees nila sa pamamagitan ng paggamit ng endo — tatanggapin nila ang mga empleyado at papatrabahuhin sila ng limang buwan, ngunit wawakasin ang kanilang mga kontrata pagdating ng limang buwan upang hindi sila maging obligado sa pag-regularize sa kanilang mga empleyado. At tatanggapin na naman sila uli para sa isa pang cycle ng endo, ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer.

Karamihan sa mga biktima ng endo ay ang mga minimum wage workers at mga working students.

Legal nga ba ito?

Ayon sa isang ulat ng Interaksyon, binabawalan ng Labor Code ang labor-only contract na tinatanggal ang obligasyon ng mga kumpanya at employers na magbigay ng mga benepisyo sa kanilang mga empleyado (hal.: healthcare at social security). Legal lamang ito kapag ang pagiging contractual ay hindi “labor only contracting,” o ang pagtanggap ng walang iba kung hindi contractual employees.

Ibig sabihin nito ang mga hotel, malls, at restawran ay maaring mag-endo hangga’t sa mayroon silang mga regularized employees.

Si Labor Secretary Rosalinda Baldoz mismo ang nagtangkang hulihin ang mga employers na ginagawa ang ilegal na endo, sa pamamagita ng pagpasa ng Department Order 18:

“Through Department Order No. 18- A, which I issued to amend D.O. 18 on subcontracting, we have whittled down the number of registered sub-contractors registered under D.O. 18-02 from 17,000 to only 5,581 as of March 2014.

“What remains are legitimate subcontractors who comply with labor laws and are registered with the DOLE under the requirements, terms, and conditions of DO 18-A,” she said.

Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Paulo Vargas.

Huwag nang malunod sa sunod-sunod na pag-endo. Mag-apply na sa Kalibrr at maghanap ng pangmatagalang trabaho.

Share Via:

About The Writer

Hello, my name is Karina and I work as a freelance contributor at Kalibrr. I enjoy reading self-improvement books and working out. More about Karina

Comments (0) Post Comment

No comment available yet!