Paano Magsulat Ng Cover Letter
Ang cover letter ang makakapagpabukod ng CV mo sa CV ng ibang mga applicant. Bukod sa paglista ng impormasyon, educational background, at lahat ng mga nagawa mo sa iyong CV, maipapakita mo sa cover letter ang iyong karakter, kung sino ka nga ba talaga, at kung bakit gusto mong makuha ang trabahong inaaplayan mo at bakit ikaw ang dapat nilang tanggapin. Maraming matututo ang employer hindi lang sa sasabihin mo sa cover letter, kung hindi pati na rin kung paano mo ito sasabihin. Malayo ang mararating ng isang maayos at pinag-isipang cover letter. Dahil sa cover letter, mas malaki ang tsansa na mapansin ang iyong application (at baka matanggap ka pa) imbis na ibalik ang CV mo sa tambak ng mga hindi inako na applicants. Pero paano nga ba magsulat ng cover letter?
TOPICS
1. Alamin mo kung kanino dapat itugon ang cover letter.
Mas madali makakuha ng sagot sa cover letter mo kapag nakatugon ito sa isang partikular na tao kaysa sa isang buong Human Resources department o kumpanya. Manaliksik ka sa Internet o subukan mong tawagan ang kumpanya upang malaman mo kung kanino dapat itugon ang cover letter. Maipapakita mo na sinisikap mong gawin ang application mo sa tama at nararapat na paraan.
2. Umpisahan mo ang liham gamit ang isang maikling pagpapakilala ng sarili mo at ng trabahong gusto mong pasukin.
Ipakilala mo ang sarili mo at ilahad mo ang posisyong gusto mong aplayan sa kumpanya. Puwede mo rin banggitin kung saan mo narinig ang pagkabakante sa kumpanya.
3. Talakayin mo ang iyong pagkakaintindi ng trabaho o kumpanya. Gawin mo itong personal.
Ipakita mo sa kanila na alam mo kung ano ang pinag-aaply-an mo, at pinag-aralan mo at talagang interesado ka sa kumpanya at sa posisyon. Gawin mong personal ang iyong pagpapaliwanag at huwag mo lang basta-bastang kopyahin o gayahin ang nakasulat sa job description o sa company vision and mission statement.
4. Sabihin mo kung bakit naaangkop ka sa trabaho.
Magbigay ka ng buod ng mga kakayahan mo at bakit may mahalaga ito sa posisyon na gusto mo. Ipakita mo na lahat ng mapapakita mo, pero ingatan na hindi ka magmukhang mayabang. Suportahan mo ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng pagbanggit kung saan mo natuto ang mga ito at kung paano mo nagamit ang mga ito sa mga nakaraan mong trabaho.
5. Panatilihin maigsi at klaro ang cover letter mo.
Huwag mong subukan pagandahin pa ang cover letter mo gamit ang mga mahahalimuyak na salita at baka malito lang ang magbabasa sa gusto mong sabihin. Kung kaya mong paiigsiin ang liham mo upang maparating ang punto mo, mas mabuti. Huwag mong palampasin ang cover letter mo ng isa o isa’t kalahating pahina.
6. Himukin mo ang employers na basahin ang CV mo.
Sa cover letter mo, imbitahan mo silang basahin ang CV mo. Sa pagtatapos ng iyong liham, banggitin mo na umaasa kang babalikan ka nila sa madaling panahon.
7. Balikan mo ang buong liham at siyasatin mo kung may mga pagkakamali ka sa pagbaybay o sa grammar.
At marahil ay nag-aaplay ka sa iba’t ibang kumpanya. Siguraduhin mo na ipinapadala mo ang tamang liham para sa tamang employer.
8. Siguraduhin na nakalagay ang iyong buong pangalan at mga contact details mo.
Huwag mong piharapan ang mga employers mo. Siguraduhin na banggitin mo ang email address mo at lahat ng mga telephone numbers, at madali silang hanapin. At huling tip: Gumamit ng pormal at propesyonal na email address! Kung ang gamit mo pa rin ay ang email address na ginawa mo noong hayskul, siguro naman panahon na para gumawa ng bagong address. Kaya mo ‘yan! At kung mag-umpisa nang tumawag ang mga kumpanya, panahon naman para maghanda sa mga interviews. Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Stephanie Cancio.
No comment available yet!