Related items based on your search keywords will be listed here.

Home>For Jobseeker > Mga Aral Para sa may Trabaho Mula sa mga Fresh Grad
For Jobseeker

Mga Aral Para sa may Trabaho Mula sa mga Fresh Grad

Karina

May 13 • 6 min read

Sandali, sandali… itabi muna natin ang hilig na magbigay ng payo sa mga bagong kasamahan sa trabaho.  Oo nga’t marami tayong gustong i-share tungkol sa kung paano pwedeng magtagumpay sa mundo ng mga propesyonal… pero antay lang muna.  Sa mga kumpanyang Pinoy ay naniniwala pa rin tayo na ang boss o bisor ay di hamak na mas maalam kaysa sa mga empleyado, lalung lalo na sa mga baguhang empleyado.  Pero ito ay hindi parating totoo. Maraming bagay ang dala ng mga isipang mura at sariwa sa isang opisinang sanay na sa dating gawi.  Tayong mga beterano ay mabuting magtanong paminsan-minsan, “Ano kaya ang pwede kong matutunan sa mga bagitong ito?”

Kung iniisip mo na sa dami ng mga fresh grad ay siguradong walang humpay ang mga bagitong ito, malamang ay tama ka.  Kung pagbabasehan natin ang numerong inilabas ng CHED noong 2015 na 553,706, isang malaking malaking grupo na naman ng mga fresh grad ang dadagsa sa mundo ng mga propesyonal ngayong taon.  Mahigit kalahating milyon yan, friend!  Sa madaling salita, marami-rami tayong pwedeng matutunan.

Mula kay Avery Augustine ng The Muse, eto ang ilan sa mga leksyong pwedeng makatulong sa iyo:

1.  Huwag tigilan ang pagtatanong, kahit mukhang halata naman ang sagot.

childrenaskingquestions

Kapag dati na sa isang kumpanya, marami nang nakakagawian.  Ang mga empleyado ay hindi na gaanong nagtatanong dahil natutunan at nakasanayan na ang sistema sa opisina.  Ang mga bagong empleyado, lalung lalo na ang mga fresh grad pa lang, ay hindi ganito, dahil nga kasi, baguhan sila.  Bukas ang kanilang mga mata at isipan, nag-uusisa, namamansin, at marami silang tinatanong.  Kahit na tayong mga Pinoy ay mahiyaing magtanong at mag-usisa, matuto sana tayo sa kanila.  Kahit matagal na sa trabaho, palaging itanong kung papano mapagbubuti ang gawa, para lalong mapagaling ang pagsisikap at diskarte sa trabaho.

2.  Huwag matakot na sumubok at tumaya.

5-risks-highly-successful-people-take

Ang isang fresh grad ay parang pabrika ng mga bagong ideya.  Kapag bigyan ng pagkakataon, pwede nila itong ibahagi sa mga kasama sa opisina.  Karaniwan kasi, ayon kay Augustine, kapag nasanay na ang isang empleyado sa kanyang trabaho, nawawala na ang pagiging malikhain at maparaan.  Ang mga fresh grad, kapag hinayaan, ay mas marami at mas malawak ang naiisip dahil wala pa silang kinikilalang “dating gawi.”  Ang Pinoy ay mahusay mag-isip ng samut saring ideya at paraan, kaya lang, madalas ay nauunahan ng pagiging kimi, o ng hiya, o ng takot.  Hindi sanay ang Pinoy na maging bibo at presentado.  Kung alam nilang okey lang at hindi sila masisita ay mas kampante silang magsasalita.  Malay natin, sa ganitong paraan ay baka kung anong napakagaling na ideya ang maglabasan.

3.  Huwag sayangin ang panahon

out-of-time_kalibrr

Sikat ang Pinoy sa pagiging masipag, pero kung matagal na sa isang kumpanya ay pwedeng tumabang ang sipag na yan.  Kailangang mag-ingat, dahil delikado kapag mawalan ng gana.  Ang mga fresh grad naman ay nag-uumapaw sa gana.  Nagsisipag sila para mapakitang mahalaga sila sa kumpanya.  Madalas pa ay tinatanong nila kung ano ang pwede pa nilang gawin para makatulong.  Ang aral dito, sabi ni Augustine, ay manatiling sabik (sa pagbuti, hindi sa coffee break).  Humanap ng mga pagkakataon para maipakita ang galing at maibahagi ito sa kumpanya.  Magpakita ng kusa at siguradong mapapansin ka.

Handa ka na ba sa pagdagsa ng mga fresh grad?  Ano pa bang mga leksyon sa tingin mo ang mapupulot ng mga datihan na sa trabaho mula sa mga fresh grad?  Simulan natin ang usapan, mayroon ka bang puna o opinion?  Umpisa na ang klase, hindi lamang para sa mga fresh grad sa iyong opisina, kundi mula mismo sa kanilang magtuturo din sa iyo.

Isinalin ang blog post na ito ni Annie Salvador. Ang orihinal artikulo ay isinulat ni Joseph Cueto.

Sign up on Kalibrr today and find the right job for you. You can also subscribe to our weekly newsletter and get Kalibrr Career Advice straight from your inbox!

Share Via:

About The Writer

Hello, my name is Karina and I work as a freelance contributor at Kalibrr. I enjoy reading self-improvement books and working out. More about Karina

Comments (0) Post Comment

No comment available yet!